Babala! Sensitibong Balita: illegal na sigarilyo
Matagumpay ang isinagawang OPLAN MEGASHOPPER ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) Regional Field Unit 3, sa pamumuno ni PCOL Grant A. Gollod, Chief, CIDG RFU 3, katuwang ang iba pang partner law enforcement units.
Base sa press release ng CIDG, nagresulta ang operasyon, sa pagkakasamsam ng kabuuang 573 master cases ng illegal na sigarilyo mula sa isang warehouse sa San Simon, Pampanga. Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng ₱36,958,500.00 .
Isinagawa ang operasyon noong January 7–8, 2026 alinsunod sa court-issued search warrant kaugnay ng paglabag sa Consumer Act of the Philippines.
Ito’y matapos malaman sa imbestigasyon ng mga awtoridad na ang warehouse ay ginagamit bilang imbakan at distribution hub ng mga smuggled na produktong tabako.

