BABALA! SENSITIBONG BALITA:

₱680K NA HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BUY-BUST SA CABANATUAN CITY

Nagresulta ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng kapulisan sa pagkakadakip ng isang High-Value Individual (HVI) at pagkasabat ng ₱680,000 na halaga ng shabu sa Purok Amihan, Barangay Barrera, Cabanatuan City, noong gabi ng October 13, 2025.

Ayon sa ulat, nakabili ang nagpanggap na buyer ng shabu mula sa suspek na isang 27-anyos na lalaki at residente ng Barangay Barrera, kaya agad siyang inaresto.

Nakuha umano sa suspek ang ilang plastic sachet ng shabu na may timbang na 100.20 grams at may Dangerous Drugs Board (DDB) value na ₱680,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).