BABALA! SENSITIBONG BALITA:

1.7M NA HALAGA NG MGA FAKE NA SIGARILYO, NAKUMPISKA SA ZARAGOZA

Umabot sa Php1.7 million ang halaga ng mga nakumpiskang pekeng sigarilyo mula sa dalawang naaresto kalalakihan sa anti-criminality checkpoint sa Zaragoza noong December 10, 2024.

Ayon sa report na isinumite kay PCOL FERDINAND D GERMINO, Provincial Director, NEPPO, bandang 3:00 AM, nang pahintuin sa checkpoint ng Zaragoza Police at 2nd Maneuver Platoon, 1st PMFC, NEPPO, sa Barangay Carmen ang isang Mitsubishi 12-wheeler truck wing van para sa routine check and verification.

Pero nang buksan ng driver ang back door ng sasakyan nakita ng mga awtoridad ang 147 na mga kahon ng assorted Chinese-brand cigarettes.

Nabigo ang driver at helper nito na mag-presenta ng legal documents kaya nahaharap ngayon sila sa kasong violation of the Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211).