SENSITIBONG BALITA

1 BABAE, 2 LALAKI, ISINUMBONG AT HULI SA AKTONG NAGTO-TONG ITS SA BAYAN NG QUEZON

Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287 (Illegal Gambling) ang isang babae at dalawang lalaking dinakip umano dahil sa pagto-tong its sa bayan ng Quezon.

Base sa report ng Nueva Ecija Police, may nagsumbong sa mga pulis kaya nahuli sa aktong nagsusugal ang mga suspek sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation sa Barangay Sto Tomas Feria noong August 22, 2023.

Narekober umano sa mga ito ang Php779.00 na bet money at isang deck ng baraha.