100 PWDs SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA, PINAGKALOOBAN NG KABUHAYAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Nagsagawa ng Livelihood Orientation ang Ako Ang Saklay Inc. at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng San Isidro matapos mapagkalooban ng mga mushroom fruiting bags ang isandaang persons with disabilities
Nagmula ito sa Malasakit Program ng Provincial Government Governor Aurelio “Oyie” M. Umali at Vice Governor Lemon M. Umali na layuning makapagbigay ng alternatibong kabuhayan sa mga PWDs.
Pinangunahan ang orientation ni Father Arnold M. Abelardo, CMF Director ng Ako Ang Saklay, Inc., na siyang nagbahagi ng kaalaman ukol sa tamang paraan ng pag-aalaga at pagpaparami ng kabute.
Paliwanag niya, ang programang ito ay bahagi ng kanilang adbokasiya na bigyan ng pantay na oportunidad ang mga PWDs upang sila’y maging produktibo at makapag-ambag sa kanilang pamilya at komunidad.
Samantala, nagpahayag naman ng paalala sa kanyang mga kababayan si Mayor Cesario I. Lopez Jr., para at pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan.

