PASINTABI PO SA MGA MANUNUOD

128 TAONG MUMMY NG ISANG LALAKI, NAKATANGGAP NG PORMAL NA LIBING

Nakatanggap nang pormal na libing ang isang “mummified” na lalaki pagkatapos ng 128 taon.

Ayon sa Auman’s Funeral Home sa Pennsylvania, aksidenteng na-mummify ang lalaking tinawag na si “Stoneman Willie” ng isang mortician na nag-eksperimento sa mga bagong pamamaraan ng pag-embalsamo.

Matapos ang higit daang taon, naihatid na sa huling hantungan si Willie na namatay noong taong 1895 sa isang kulungan sa Pennsylvania dahil sa pang-uumit .

Nakilala umano ang “mummy” sa pamamagitan ng historical records, kaya pormal na ibinunyag ang kanyang pangalan sa kanyang lapida o tombstone.

Kinilala ang lalaki na si Murphy, may lahing Irish, isang alcoholic, at nasa reading sa isang convention ng mga bumbero na siya ay namatay sa lokal na jailhouse sanhi ng kidney failure noong November 19, 1895.

Kwnto ni Kyle Blankenbiller, direktor ng Theo C. Auman Inc. Funeral, kung saan naninirahan ang labi ni Murphy na nagsilbing kaibigan ng mga empleyado ng funeral homes ang kanyang mummy dahil hindi nila tinrato na isang bangkay.