177 POINTS NI MR. LONG BOMB, BAGONG RECORD SA BASKETBALL; RECORD NI PACQ, BINURA

Isa sa pinag-uusapan ngayon, pinagkakaguluhan, at kontrobersyal na basketball player sa pilipinas ay si Harmz Hui na may palayaw na Mr. long Bomb na umiskor ng 177 points sa isang single Game sa liga.

Si Mr. Long Bomb umano ang susunod sa yapak ni Pastor Apollo Quiboloy o PACQ. Matatandaan na noong nakaraang taon sa huling Basketball Game ni Quiboloy ay umiskor ito ng 138 points, 46 points mula sa 3 point shot at isang assist. matapos tambakan ang kalaban at mas malaki pa ang score ni Quiboloy sa kanilang kalaban na ALL STAR 112 to 153.

Ayon naman kay Harmz Hui na siya raw ang Stephen Curry ng pilipinas at siya na ang susunod sa yapak ni pastor Apollo Quiboloy pagdating sa three points. Dahil kamakailan lamang ay na-break nito ang record ni Pastor Apollo Quiboloy sa basketball na-umiskor ng 138 points samantalang siya ay nagtala ng quadruple double sa score na 177 points 11 rebounds 16 steel 20 assist at 36 points sa 3. Area.

Nag average si Harmz Hui ng 50 points per game. ang kanyang mga explosive shots, three point shots, at mga long range shots ang nagbigay sa kanya ng Palayaw na Mr. long Bomb .

Ayon pa sa kanyang Facebook page, ng dahil daw sa kanya ay nagkaroon ng idea na 4 points ang PBA dagdag pa sa kanyang interview hindi raw kaya ni Stephen Curry ang kanyang range dahil hindi umano kaya ni Stephen Curry ang consistent half-Court shot. Maliban diyan ay kaya niyang Gawin maging 5 points to 10 points

Pero sa halip na papuri ay nakatanggap ng mga negatibong reaksyon online si Hui para sa kanyang 177 puntos na paglalaro sa Moonwalk Basketball League (MBL)

Ayon sa netizens, tiyak na itinanghal ang 177 points, 20 assists, 16 steals, at 11 rebounds stat line ni Hui, dahil pagmamay-ari niya ang parehong koponan na nakikipagkumpitensya sa oras na iyon-ang Bad Boyz Squad, kung saan siya naka-line up, at ang Harmz team.