BABALA: SENSITIBONG BALITA!

Ligtas ang 18 pasahero ng isang jeep matapos mahulog ang sinasakyan nilang sasakyan sa bangin sa bahagi ng Barangay Rio Chico, General Tinio patungong Minalungao noong Disyembre 26, 2025.


Agad na nai-report ang insidente sa mga kinauukulang ahensiya, dahilan upang mabilis na mabigyan ng paunang tulong ang mga pasahero ng jeep matapos ang aksidente.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga pasahero ay pawang mga residente ng bayan ng Concepcion, Tarlac.

Noong Disyembre 28, 2025, isinagawa ang retrieval operation upang maiahon ang jeep mula sa bangin. Pinangunahan ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Nueva Ecija, katuwang ang MDRRMO ng General Tinio, PDRRMO ng Tarlac, MDRRMO ng Concepcion, Tarlac, at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Matagumpay na naiahon ang sasakyan gamit ang angkop na kagamitan sa pamamagitan ng koordinadong pagkilos ng mga responder.

Samantala, muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga kalsadang may matatarik na bahagi, matitinding kurbada, at malalalim na bangin, upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

COURTESY: PDRRMO NUEVA ECIJA