BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Nadakip ng Guimba Police ang dalawang Most Wanted Persons sa inilunsad na magkahiwalay na Manhunt Charlie Operations noong February 25, 2024.
Kinilala ang mga suspek na sina DOMINGO GERVACIO, 61 years old, residente ng Barangay Partida 1, Guimba, Nueva Ecija; at ROLANDO BULATAO, 42-anyos, naninirahan sa Barangay Danzo, Gerona, Tarlac.
Base sa report na isinumite kay Nueva Ecija Provincial Police Director PCOL RICHARD V CABALLERO, inaresto ang dalawa sa kanilang mga bahay sa bisa ng Warrants of Arrest for Frustrated Murder, na parehong may recommended bail na Php100,000.00.
Ang dalawang akusado ay nasa kustodiya umano ngayon ng Guimba Police Station.

