2 TRUCK NA MAY SMUGGLED ONIONS, NAHULI SA BULACAN
Nagresulta sa pag-impound ng dalawang cargo truck na may kargang smuggled onions at pag-aresto ng apat na indibidwal na sangkot sa ilegal na transportasyon ng produktong agrikultural ang operasyon sa Bulacan ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) noong November 3, 2025 (5:50 PM).
Base sa report, nagsasagawa ng patrol at anti-carnapping operation ang mga tauhan ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) sa kahabaan ng Bypass Road, Balagtas Exit, Bulacan, nang ma-intercept ang Isuzu Reefer Van at Isuzu Giga na may lamang mga sako ng imported onions.
Habang nagpapatrolya, napansin ng mga HPG operatives ang ilang indibidwal na naglilipat ng mga sako ng sibuyas sa isang hindi awtorisadong lugar sa gilid ng kalsada. Nang lapitan, nabigo umanong makapag-presenta ang mga driver at crew ng importation o transport permits, dahilan upang maghinala ng smuggling activity.
Sa initial inventory, natukoy na ang mga truck ay may kargang imported onions na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱700.00 bawat sako, na may kabuuang market value na humigit-kumulang ₱700,000.
Hindi pa ibinubunyag ang pagkakakilanlan ng mga suspek, pero habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, ay isinailalim sila sa police custody.
Ang mga nakumpiskang sasakyan at produktong agrikultural ay naka-impound na ngayon sa PHPT Bulacan Headquarters para sa wastong dokumentasyon, beripikasyon, at turnover sa nararapat na ahensya.

