Sinuri ng isang kolektor at Pinoy picker na si Kyle Gianan ang dambuhalang kawa na may timbang na halos 200 kilos at pinaniniwalaang 200 taon na ang tanda, na pag-aari nina Lola Connie at Gerald Rodriguez ng Tuy, Batangas.
Namangha ang kolektor nang makumpirmang tunay na antigo ang kawa at maaari itong maibenta ng Php500,000.
Karaniwan daw na gumagawa ng kawa ay mga chinese, pero ang kawa may tatak na London.
Kung ang sukat ng kawa ay aabot daw ng 48 inches ay siguradong ginawa ito noong 1800s, pero kapag lumampas pa dito ay mas matanda pa ito at mataas din ang magiging presyo.
Nang sukatin ang kawa ay umabot ng 80 inches ang lapad nito, isa din sa patunay na antigo nga ito.
Ayon sa kwento ni Lola Connie, ipinamana sa kanila ng kanilang mga ninuno ang kawa at nauna pa ito bago magkaroon ng mga pabrika ng tubo sa kanilang lugar.
Dati umano itong ginagamit para paglutuan ng katas ng tubo na ginagawang asukal, at sa paglipas ng panahon ay ginawang paliguan ng kanilang pamilya.
May nag-alok na rin daw ng Php200,000 para bilhin ang kawa pero hindi sila pumayag dahil nais nila itong ibenta ng kalahating milyong piso na gagamitin nila pangtubos ng kanilang lupa at pambayad utang.
Ang Professional picker din na si Nick Hernandez ay nag-alok ng Php300, 000 para bilhin ang kawa ngunit hindi pa rin pumayag si Gerald, ngunit kakausapin aniya nito ang kanyang mga kamag-anak kung papayag na rin sa presyo at tatawagan na lamang ang kolektor.

