Masayang ipinagdiwang ng 200 manggagawa ang Labor Day dahil nakatanggap sila ng P5,000 pesos na galing sa programang “Tulong Panghanapbuhay sa Araw-Araw ng Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)” sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa tulong ng PESO- Nueva Ecija.
Ang programang TUPAD ay alokasyon sa pondong galing kay Senator Robin Padilla na mayroon ding layuning makapagbigay ng trabaho para sa mga nangangailangan.
Ayon kina Phoebe Huliganga at Rosita Miranda, ang kanilang natanggap na pera ay kanilang idadagdag sa pambili ng kanilang tinda at pag – enrol sa korean language para makapunta sa ibang bansa.
Hinamon naman ni Chief Labor and Employment Officer, Maylene Evangelista ang mga beneficiaries, na kung kanila raw gagamitin bilang puhunan sa negosyo ang natanggap na pera ay dadadagan pa nila ito.
Samantala, isinabay din sa naturang programa ang distribution ng livelihood project para sa mga magulang ng mga child laborers.
Laking pasasalamat din ni Chief Evangelista sa patuloy na suportang ibinibigay ni Governor Aurelio Umali sa kanilang programa.

