24% NA MAG-AARAL SA GRADE 3, MARUNONG SA DIVISION – EDCOM 2

Lumabas sa pagsusuri ng Department of Education o DepEd na isa lamang sa bawat apat na mag-aaral sa Grade 3 sa bansa ang marunong sa division.

Batay sa Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2, 24 porsyento lang ng mga estudyante ang pumasa sa operasyon na ito na siyang pinakamababa sa lahat ng nasuring bahagi ng pagsusulit.

Lumabas sa pagsusuri ng Department of Education o DepEd na isa lamang sa bawat apat na mag-aaral sa Grade 3 sa bansa ang marunong sa division.

Batay sa Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2, 24 porsyento lang ng mga estudyante ang pumasa sa operasyon na ito na siyang pinakamababa sa lahat ng nasuring bahagi ng pagsusulit.

Bukod sa division, nahirapan din ang mga bata sa geometry, kung saan 30 hanggang 50 porsyento lamang ang nakakuha ng tamang sagot depende sa rehiyon.

Habang mas mataas naman ang naging marka ng mga mag-aaral sa fractions, mass, at patterns, na umabot sa higit 70 porsyento sa ilang lugar.

Sinabi ni EDCOM 2 Executive Director Dr. Karol Mark Yee, dapat ituring na “maagang alarma” ang resulta. Binigyang-diin ni Yee na kung hindi natututo ng pagbibilang at pagbabasa ang mga bata sa Grade 3, mahihirapan na silang makahabol hanggang high school. Dagdag pa rito, malaking epekto ang kakulangan sa silid-aralan, maikling oras ng klase, at malnutrisyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa Nueva Ecija, ayon kay Santa Rosa South District Supervisor Arnold Galvez na nakakuha rin ng mababang resulta sa isinagawang pre-assessment sa kanilang lugar.

Dagdag niya, mahalaga ring may follow-up ang mga magulang sa bahay upang mas matulungan ang mga bata.

Samantala, base sa panayam sa ilang Grade 3 pupils, magkaiba ang kanilang karanasan sa pag-aaral ng division. Ayon kay Omysha, natutunan niya ang division sa pamamagitan ng pagmememorya ng multiplication table ngunit may ilan pa ring estudyante na nalilito sa pagsagot ng division, kaya tinuturuan sila ng kanilang mga magulang upang makasunod sa klase.

Nanawagan ang EDCOM sa mga mambabatas na tutukan ang pagpapalakas ng literacy at numeracy programs mula Kindergarten hanggang Grade 3. Inirekomenda rin nila ang mas maayos na pagsasanay sa mga guro at mga hakbang para mabawasan ang siksikan sa klase.