Sa pagdiriwang ng ika-122nd Araw ng Paggawa, mahigit 2,500 na mga Job Vacancy ang inilaan para sa mga Novo Ecijano para mapunan at makatulong sa mga nawalan ng trabaho, mga fresh graduate, at mga dating ofw na nais bumalik ulit sa abroad.

Ayon kay Peso Manager Luisa Pangilinan, layunin ng job fair na pagtagpuin ang mga employer at ang mga naghahanap ng trabaho sa Araw ng Paggawa, katuwang ang provincial government, DOLE, OWWA, TESDA, DTI at DMW kasama rin ang mga municipal PESO ng lalawigan at ang iba’t ibang kompanya sa lalawigan.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga aplikante sa pagkakaroon nila ng pagkakataong makakuha ng trabaho, kagaya na lamang nila John Carlo Enriquez na hire on the spot sa naturang job fair.

Ang PESO Office ay may programa rin na Special Program for Students, Language Skills Institute, English proficiency, Contact Center Service sa mga nais mag call center, at Japanese Language and Culture, para makatulong sa pagpapaunlad at pagtatrabaho sa ibang bansa.

Patuloy ang pasasalamat ni Pangilinan sa ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali sa suporta at pagmamalasakit sa PESO office.