BABALA! SENSITIBONG BALITA:
3 KALALAKIHAN, HULI SA PAGNANAKAW NG GIN
Arestado ng mga rumesponding pulis ang tatlong kalalakihang magkakasabwat umano sa nagnanakaw ng paninda sa Yolly and Beth Store sa Barangay Tulay na Bato, Bongabon.
Base sa report ng PIO-NEPPO, 3:30 ng hapon noong December 1, 2024 nang mahuli sa aktong isinasakay ng empleyado ng tindahan at kasabwat nito sa Honda TMX tricycle ang limang kahon ng 2×2 Ginebra San Miguel Gin na nagkakahalaga ng PHP 7,500.
Sumunod na dinakip ng mga pulis ang isa pang suspek sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Commercial, Bongabon dahil lumabas sa imbestigasyon na ito ang nag-offer sa dalawa ng bayad kapalit ng mga ninakaw na paninda.

