BABALA! SENSITIBONG BALITA:

3 MATATAAS NA OPISYAL UMANO NG NPA, KABILANG SA MGA NAPATAY NG MGA MILITAR SA PANTABANGAN

Nakilala na ng mga awtoridad ang lima sa pitong umano’y Communist Terrorist Group personalities na mga opisyal at miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon na mga napatay ng mga sundalo ng 84th Infantry (Victorious) Battalion, Philippine Army sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija noong June 26.

Pinangalanan ang lima na sina Hilario Guiuo alias ‘Berting’, Acting Secretary of KRGL, and Commander, Regional Operational Command; Harold Sarenas Meñosa alias ‘Luzon’, Commander, Platoon Silangan Gitnang Luzon; Pepito Trinidad Bautista alias ‘Dylan’ Team Leader, Sqd Tersera, Pltn Silangan Gitnang Luzon; Reynan Mendoza alias ‘Mel’, and Archie Anceta alias ‘Joel’.

Narekober umano sa lugar ng engkwentro ang 10 high-powered firearms, one (1) low-powered firearm, subversive documents, at mga personal na kagamitan.

Kahapon ng umaga June 27, 2024 tatlong bangkay ng mga babae at apat na mga baril pa ang natagpuan ng tropa sa exit route ng encounter site.

Kinilala ang dalawa sa mga ito na sina Andrie Dela Cruz alias ‘Lay/Rowen/Lunti’, Political Instructor of Platoon Silangan Gitnang Luzon; and Azase Galang alias ‘Cha’.

Pinuri naman ni Brigadier General Joseph Norwin D. Pasamonte Philippine Army, Commander, 703rd Infantry (Agila) Brigade, ang Victorious Battalion sa pagkapanalo nito sa laban sa CTG sa Nueva Ecija.

Binigyang diin din ni BGen. Pasamonte ang panawagan sa mga miyembro ng CTG na sumurender na para mabigyan aniya ng pagkakataon ang kapayapaan.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito lahat ng mga labi ng mga namatay ay nakalagak sa funeral homes sa bayan ng Pantabangan.