BABALA! SENSITIBONG BALITA:

3 MOST WANTED PERSONS, APAT PA NAHULI NG NUEVA ECIJA POLICE SA LOOB NG 24-HOUR MANHUNT OPERATION

Nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong Most Wanted Persons at apat pa ang isinagawang anti-criminality campaign ng Nueva Ecija Provincial Police Office noong September 11, 2024.

Ayon kay PCOL Ferdinand D. Germino, Officer-in-Charge of NEPPO, naaresto sa Manhunt Charlie Operation sa bisa ng Warrant of Arrest for Robbery, na may piyansang Php 72,000.00 ng Gen. Tinio Municipal Police Station sa Brgy. Rio Chico, General Tinio ang 24-year-old na tindero, at tinaguriang Number 4 Most Wanted Person sa nasabing bayan.

Habang nahuli naman ang kwarentay kwatro anyos na OFW at Number 10 Most Wanted Person ng Gapan City sa Brgy. San Nicolas sa bisa ng Warrant of Arrest for violation of R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act).

Maging ang Most Wanted Person sa bayan ng Talavera ay nadakip sa Brgy. Pag-Asa for violation of R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition) na may piyansang Php 200,000.00.

Apat pang mga wanted na indibidwal ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng kapulisan; isa sa Cabanatuan City na may kasong Arson, isa sa Carranglan para sa pagnanakaw, at dalawa sa San Jose City para sa mga kasong Robbery and violation of City Ordinance.