Huli umano sa aktong naglalaro ng tong-its ang tatlong kalalakihan na dinakip ng mga pulis sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation sa Barangay Atate, Palayan City December 3, 2023.

Kinilala ang mga suspek na tatlong binata na may edad na 40-year-old; 35-anyos, at 47-year-old, na pawang mga residente ng naturang lugar.

Base sa report ng Palayan Police Station, 5:30 ng hapon nang mahuli ang suspek na nakuhanan ng isang set ng baraha, at bet money na nagkakahalaga ng Php874.00.

Nahaharap ang mga ito sa kasong Violation of PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law).