Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Pebrero 26, ang tatlong panukala upang maging ganap na batas, kabilang dito ang Senior Citizen Act.
Ginanap sa loob ng Palasyo ng Malacañang ang ceremonial signing na tinunghayan ng matataas na opisyal ng pamahalan kabilang ang mga mambabatas mula sa Senado at Kamara.
Ang Republic Act 11983 ay pagpapalawak ng benepisyo sa mga lolo nakapaloob partikular sa amyenda ng Centenarian Act.
Nakasaad din sa inamyendahang batas na pagtungtong ng edad 80 ng Isang senior citizen ay dapat na itong makatanggap ng P10,000 at kapag inabot naman ng 90-anyos ay P20,000 na ang cash gift.
Mananatili naman sa P100,000.00 ang matatanggap kapag umabot sa edad na isangdaan bukod pa sa letter of felicitation na manggagaling sa Presidente.
Ang iba pang panukala na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ay ang Tatak Pinoy Act at ang Magna Carta of Filipino seafarers.
Ang Republic Act 11981 o ang Tatak Pinoy ay naglalayong hikayatin ang mga lokal na industriya na gumawa ng mas sopistikadong mga produkto, kung saan ay magtataas ng posisyon ng bansa sa global value chain, ayon sa Department of Trade and Industry.
Ang Magna Carta ng Filipino Seafarer ay may layuning mapangalagaan ang kanilang karapatan sa mga kondisyon sa pagtatrabaho at pagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa mga kondisyon sa on-board pati na rin ang mga lokal at internasyonal na batas na naaangkop sa Filipino seafarer.

