PRESYO NG BIGAS, BUMABA NG P2; HALAGA NG MGA GULAY, TAAS-BABA SA PALENGKE NG CABANATUAN CITY

Bahagyang nagbaba ng presyo ng mga pagkain ang mga tindera sa Pampublikong Pamilihan sa Barangay Kapitan Pepe, Cabanatuan City.

Ayon kay Eloisa Reyes ng Aguilar Rice Dealer and Retailer na bahagyang gumalaw ang presyo ng bigas. Ang dating presyo ng bigas na 218 ay Php 62.00 kada kilo, ngayon ay bumaba ng dalawang piso o dos pesos kada kilo.
Ang buco pandan na dating Php45.00 ngayon ay Php43.00 pesos na lang ang kada kilo. Ang hobi denorado na dating Php52.00 ay Php51.00 pesos na lang. Habang, ang iba pang klase ng kanilang itinitindang bigas ay nananatili pa rin sa dating presyo.

Paliwanag niya, hindi sila makapagbaba ng mas mababa pa sa presyo nila sa ngayon dahil mataas umano ang presyo ng kanilang naaangkat sa kanilang supplier.

Taas baba naman ang presyo ng ibang gulay.

Sa kasalukuyan ang presyuhan ng kamatis sa Cabanatuan Public Market ay pumapatak sa Php30.00 kada kilo, sibuyas na puti Php100 ang kada kilo, habang ang sayote naman ay Php60.00 per kilo.

Ayon kay Maria Theresa Olivarez, tindera at biyahera ng gulay dito pa rin palengke ng Cabanatuan na sa mga susunod na araw na palapit ang kuwaresma (holy week) ay inaasahang bababa ang presyo ng gulay dahil sa pag-aayuno o pag-iwas ng mga mananampalataya sa pagkain ng karneng baboy.

Ang pagbaba at pagtaas aniya ng presyo ng gulay dahil ay nakadepende sa dami at unti ng suplay nito.

Samantala, sa Kabanatu meat shop, napag-alaman natin na ang presyo ng karneng baboy ay bumaba ng sampung piso ang kada kilo.

Ang liempo ay P440, ang buto-buto ay P350, at pork chop P400.

Pero panawagan pa rin ng mga tindero at tindera ng baboy na pababain pa sana ang halaga nito dahil nahihirapan umano silang magbenta nito.