59 PERCENT NG PINOY, SATISFIED SA ADMINISTRASYONG MARCOS AYON SA SWS SURVEY

Nasiyahan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang limampu’t siyam na porsyento ng mga Pilipino ayon sa survey noong December 2024 ng Social Weather Stations (SWS).

Ito ay isang porsyentong puntos na bawas mula sa 60 porsyentong resulta ng pollster noong Setyembre.

Bumaba naman ng isang porsyentong ang dissatisfied mula 24 percent noong Setyembre hanggang 23 percent noong Disyembre.

Samantala, ang mga undecided ay tumaas ng two percentage points mula 15 percent hanggang 17 percent sa parehong panahon.

Nangangahulugan ito na ang net satisfaction rating ng administrasyong Marcos ay plus (+)36 noong Disyembre, na tinaguriang “Good” ng SWS, parehong rating na natamo nito noong Setyembre.

Ang mga respondents sa Visayas ang may pinakamataas na kasiyahan na may 65 percent.
Sa kabilang banda, ang mga nasa Mindanao ang may pinakamataas na dissatisfaction na 31 percent.

Ang survey sa administrasyon ay isinagawa mula December 12 hanggang 18. Mayroon itong 2,160 respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview.
Nagpakita rin ang resulta ng survey na ang administrasyong Marcos ay nakakuha ng “napakahusay” na net satisfaction ratings sa mga tuntunin ng limang aktibidad at programa.

Ilan sa mga ito ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon ng mga bata, at paglikha ng mga patakaran na bubuo ng mga pagkakataon sa trabaho.

Habang nakatanggap naman ang administrasyon ng “magandang” net satisfaction rating sa mga sumusunod na pitong isyu:

Pagpapatupad ng mga programa sa pabahay para sa mahihirap; pagtitiyak ng seguridad sa pagkain, mahusay na sistema ng pampublikong transportasyon; paghahanda para sa malalakas na bagyo at mga problemang dulot ng pagbabago ng klima; pagsasabi ng totoo; at pagtatanggol sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Gayunpaman, mahina ang ranking ng administrasyong Marcos sa “paglaban sa inflation,” na may negative (-)12 net satisfaction rating.

“Moderate” naman sa “pagtitiyak na walang pamilya ang magugutom at walang makakain,” na may +26 net satisfaction rating.

Samantala, “neutral” naman ang net satisfaction rating sa mga isyu ng paglaban sa mga krimen tulad ng mga pagpatay, panghoholdap, pagnanakaw, at pisikal na karahasan; pagtiyak na hindi sasamantalahin ng mga kumpanya ang presyo ng langis, at pagpuksa sa graft and corruption.