BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Umabot sa P40,000.00 na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska at anim na drug traffickers ang nahuli umano sa isinagawang operation ng kapulisan sa Nueva Ecija noong May 6, 2024.
Base sa report, alas singko ng umaga nang maaresto ng Palayan City Police sa Barangay Santolan ang notorious drug trader, na isang 35-year-old na lalaki mula sa Barangay Lourdes, Cabanatuan City.
Nakabili umano ang undercover police operative sa suspek ng one (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.08grams ng suspected shabu.
Nang mahuli ito ay nakuhanan pa ng 4.2grams ng shabu, na nagkakahalaga ng Php28,560.00, kasama ang one-thousand-peso buy-bust money.
Samantala limang tulak din ng illegal na droga ang nadakip ng Talugtug, Cabanatuan, at Nampicuan Police Stations sa kanilang nasasakupan.
Nsasamsam umano sa operasyon ang 0.89grams ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php6,052.00.

