98 YEARS OLD NA LOLO, PINAKAMATANDANG FULL-TIME EMPLOYEE SA CHICAGO
Kayo ba ay maraming reklamo sa trabaho? Pagod at tila wala nang gana dahil hindi na kayo masaya at dekada o ilang taon na ninyong pagtatrabaho? Mabibilib kayo sa isang 98 years old US citizen na lolo sa Chicago na nananatli pa ring full-time sa kanyang trabaho.
Siya ay si Joe Grier na nagdiwang ng kanyang ika-siyam naput walong taon nito lamang buwan ng Mayo at maituturing na isa sa pinakamatandang full-time employee sa kanilang bansa.
Nagtatrabaho si Grier ng pitong araw sa loob ng isang linggo sa Victory na isang manufacturing company na nakabase sa Chicago, bilang tagagawa ng hulma ng iba’t ibang tropeo at pamparangal.
Pagbabahagi ni Grier ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang pumapasok sa trabaho araw-araw ay dahil ito daw ang nakakapagbigay kasiyahan sa kanya dahil ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin ay patuloy pa rin niyang nagagawa sa kasalukuyan.
Ang sekreto naman daw niya para sa mahabang buhay ay ang pagkontrol sa sariling pag-iisip kung paano titingnan at paano sosolusyunan ang mga kinahaharap niyang mga problema.
Pagbibigay diin nito na ang pagiging positibo ang pangunahin niyang dahilan para palaging makatawa at para sa kanya ang pagtawa ay napakasimpleng bagay lang para gawin.
Habang nanatiling nasa edad na nineties ang layunin ni Grier ay ang patuloy na makatulong sa mga tao sa abot ng kanyang makakaya hindia lamang sa industrial level kundi maging sa personal na buhay.
Binigyang pagkilala naman si Grier sa New Life Holiness Church dahil sa kanyang dedikasyon at pagbibigay ng inspirasyon sa pagmamahal sa kanyang trabaho.
Nagsilbi din si Grier sa armed forces noong 1940’s.

