Patay ang isang diumanoy drug personality matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa barangay Nieves, bayan ng San Leonardo.

   Kinilala ang suspek na si Vincent Soliman y Wagan, 41-anyos, may asawa, at residente ng naturang lugar.

Nanlaban umano si Vincent Soliman sa mga pulis na naghain ng search warrant sa kaniyang bahay.

Nanlaban umano si Vincent Soliman sa mga pulis na naghain ng search warrant sa kaniyang bahay.

   Base sa report ng pulisya, 6:00 ng gabi nang puntahan ng mga otoridad si Soliman upang ihain ang Search Warrant na pirmado ni Judge Celso Baguio, Executive Judge ng RTC Gapan City para sa paglabag sa Section 11 and 12 ng Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act.

   Ngunit nang lapitan umano nila ito ay bigla na lamang nitong binunot ang caliber .38 revolver na nakasuksok sa bewang at pinagbabaril ang raiding team na kaagad na gumanti ng putok.

   Nagtamo ng mga tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na mabilis na isinugod sa Gonzales General Hospital pero idineklarang dead on arrival.

   Narekober ng SOCO sa crime scene ang isang silver metallic caliber .38 na walang serial number, tatlong basyo ng .9mm nab aril, at sampong plastic sachet ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.

   Samantala, ninakawan ng mga hindi nakilalang salarin ang K Servico Trade Incorporated sa kahabaan ng Maharlika Highway, barangay Dicarma, Cabanatuan City.

Isang motorsiklo ang nagawang itakas ng mga magnanakaw sa K Servico Trade sa Cabanatuan City.

Isang motorsiklo ang nagawang itakas ng mga magnanakaw sa K Servico Trade sa Cabanatuan City.

   Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, 8:00 ng umaga nang pwersahan itong pasukin ng mga magnanakaw sa pamamagitan ng pagwasak sa padlock ng gate sa likod ng establisyemento at tsaka dumaan sa siwang ng bubong at pader nito.

   Nagawang tangayin ng mga suspek ang isang unit ng brand new Kawasaki Bajaj CT 100 motorcycle.- ulat ni Clariza de Guzman.