Unang sabak pa lang sa sagupaan ay ipinakita na ng bawat kalahok ang kani-kanilang husay sa larangan ng basketball.

Brgy. Ginebra vs Brgy. Purefoods, Nagpakita ng matinding sagupaan sa larangan ng baskeball.
Sa unang quarter pa lamang ay lumamang na kaagad ang Purefoods ng 15 points kontra Ginebra. Maging sa sumunod na quarter.
Pagdating sa ikatlong quarters ay hindi na itinuloy ang laban at sumuko na ang ginebra kahit may natitira pang isang minuto sa laban, na ikinapanalo ng Purefoods.
Masayang-masaya naman ang mga Cabanatueño na nanuod ng palaro dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makita at mapanood ng personal ang tunggalian ng kani-kanilang idolo.
Bawat fans ay nakatutok sa galaw ng kanilang mga hinahangaan. Mula sa barangay Ginebra sina Vince Hizon, Marlou Aquino, Jv Gayoso, Bal David at Noli Locsin.
Hindi rin pahuhuli ang star players ng brgy, purefoods na sina Johnny Abarrientos, Alvin Patrimonio, Allan Caidic at Ej Feihl.
Ang ilang Cabanatueño ay maswerteng nagkaroon ng pagkakataong makipag selfie sa mga sikat na players mula sa dalawang koponan na tinaguriang pba legends. -Ulat ni Myrrh Guevarra.