Umabot sa mahigit dalawang daan o walumpong porsyento ng mga alagang aso ang nabakunahan sa Brgy. Bantug, La Torre sa Bayan ng Talavera, sa ilalim ng Anti-Rabies Vaccination program ng Municipal Agriculture Office.

   Ayon kay Dr. Edit Salazar, Consultant ng Veterinary Services-Talavera, sinimulan nila ang programa nito lamang buwan ng Enero na naglalayong mapigilan ang pagkalat ng rabies at mabigyan ng tamang kaalaman ang mga mamamayan sa pag-aalaga ng aso.

Kasalukuyang nagsasagawa ng Anti-Rabies Vaccination ang Municipal Agriculture Office ng Bayan ng Talavera sa lahat ng mga barangay upang maiwasan ang pagkalat ng rabies.

Kasalukuyang nagsasagawa ng Anti-Rabies Vaccination ang Municipal Agriculture Office ng Bayan ng Talavera sa lahat ng mga barangay upang maiwasan ang pagkalat ng rabies.

   Dagdag ni Dr. Salazar, isang buong taon nila lilibutin ang limamput tatlong barangay ng Bayan ng Talavera upang isagawa ang naturang programa.

   Base sa annual report for 2016 ng Provincial Health Office, pang-apat sa top 10 Municipalities and Cities ng may pinakamatataas na kaso ng kagat ng aso ang Bayan ng Talavera na umabot sa 915 na kaso.

   Nanguna sa listahan ang Bayan ng Guimba na may 1,364 na kaso, sumunod ang Lungsod Agham ng Muñoz na may 1,355 cases, pangatlo ang Lungsod ng Cabanatuan na may 1,023 na kaso, pang-apat ang Talavera, panglima ang Gen. Tinio na may 619 kaso, sumunod ang Sta. Rosa at Sto. Domingo na kapwa may 484 cases, Zaragoza 473 na kaso, Gen. Natividad 387 cases at Aliaga 340 cases.

Sa talaan ng Provincial Health Office, pang-apat sa Top 10 Municipalities/Cities ng may pinakamataas na kaso ng animal bites ang Bayan ng Talavera.

Sa talaan ng Provincial Health Office, pang-apat sa Top 10 Municipalities/Cities ng may pinakamataas na kaso ng animal bites ang Bayan ng Talavera.

   Sa kabuuan ay nakapagtala ng 10,765 animal bitten cases ang PHO noong nakaraang taon, walo dito ang naitalang namatay dahil sa rabies, isa sa Bayan ng Guimba, dalawa sa Bayan ng Sto. Domingo, isa sa Bayan ng Carranglan, isa sa San Jose City, isa sa Bayan ng Rizal at dalawa sa Bayan ng Talavera.

   Nagbigay naman ng pamamaraan si Dr. Salazar para sa tamang pag-aalaga ng aso,

  1. Dapat ay nakatali o huwag hayaang gumagala ang alagang aso upang hindi mahawa ng rabies
  2. Pakainin ng tama
  3. Paliguan at panatilihing malinis
  4. Huwag sasaktan o kakatayin

   Ilan naman sa mga itinuturong dahilan ng death cases ng naturang sakit ay ang pagsasawalang bahala sa kahalagahan ng immunization, pagpapatawak, at ang hindi pagpapabakuna ng anti-rabies ng mga alagang aso. –Ulat ni Jovelyn Astrero