Nagbibigay ng panibagong kasiyahan ang iba’t- ibang klase ng palaruan sa Freedom Park Cabanatuan City, na ipinagawa ng pamahalaang panlalawigan.

Iba’t- ibang klaseng Palaruan makikita sa Freedom Park,  Cabanatuan City.

Iba’t- ibang klaseng Palaruan makikita sa Freedom Park,  Cabanatuan City.

   Kabilang din sa mga inayos ang arko ng Calle Burgos at mga kalsada.

   Isa sa aming nakapanayam si Elmer na naabutan naming naglalaro ng Bike, ayon sa kanya maganda ang ginawa ng Provincial Government na lalo pang pagandahin at magbigay ng aliw sa mga Novo Ecijano sa pamamagitan ng mga palaruan.

   Ilan din sa mga Estudyante ang aming nakausap na naabutan naming nagpapraktis ng kanilang sayaw, nagpapasalamat ang mga ito na libre nilang nagagamit ang Freedom Park para sa kanilang ensayo.

   Si Dave kasama ang kanyang mga anak na naglalaro sa Freedom Park, ay nakahanap naman umano ng pasyalan para sa kanyang mga anak.

   Ginagamit din ang Freedom Park bilang Venue ng Ikalawang Inter-brgy ng lungsod.

   Maging ang mga estudyanteng Volleyball Players ay masaya din sa pagsasaayos ng Freedom Park, na mas lalo pang naging kaaya-ayang pasyalan. -Ulat ni Majoy Villaflor