Mga stakeholders sa Region 3 na pinarangalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Pinarangalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas Cabanatuan Branch ang mga stakeholders mula sa Region 3 sa isinagawang taunang Awards Ceremony and Appreciation Lunch noong July 28 na may temang “Transforming shared visions into dynamic partnership.”

Sa pangunguna ni Monetary Board Member Felipe M. Medalla, kinilala ang mga natatanging business establishment, ahensiya at mga institusyon sa Gitnang Luzon na nakapagbigay ng suporta sa pangangailangang istatistiko, impormasyon at mga programang pang adbokasiya ng BSP.

Itinanghal bilang Asset Disposal Partner of the Year si Ms. Maria Emelyn G. Laxa mula sa Calumpit, Bulacan.

Natanggap naman ng Baliwag Transit Incorporated ang Outstanding Respondent among Large and Medium Firms for the Business Expectations Survey habang ang Sunjin Philippines Corporation ay nakuha ang Outstanding Respondent among Small Firms.

Iginawad din ang parangal bilang Outstanding Partner for the Report on Regional Economic Development ang Provincial Tourism Office mula sa Aurora at Outstanding Regional Partners for Implementing BSP Advocacy on the Conduct of Public Information Campaigns ang DWAY Sonshine Radio 1332 ng Cabanatuan City at Public Employment Service Office mula sa Zambales.

Outstanding Regional Partners for Currency Programs ang ipinagkaloob ng BSP sa mga sumusunod: Bank of the Philippine Islands-Cabanatuan Cash Center at United Coconut Planters Bank-Angeles Cash Center para sa Clean Note Policy, Department of Social Welfare and Development- DSWD Talavera Extension Office at DSWD-Zambales Extension Office para sa Demonitization ng New Design Series; Security Bank Corporation-Cabanatuan at Department of Trade and Industry-Bataan Provincial Office para sa Coin Recirculation.

Tinanggap nina Jocelyn T. Diaz, Business Manager at Dina Pili, Branch Manager ng Security Bank Corporation-Cabanatuan Branch ang parangal ng BSP bilang Outstanding Regional Partners for Currency Programs-Coin Recirculation.

Ayon kay Jocelyn T. Diaz, Business Manager ng Security Bank Corporation ng Cabanatuan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makatanggap ang kanilang institusyon ng parangal galing sa BSP.

Ipinaliwanag ni Diaz na mahalaga na maiikot mabuti ang mga barya sa publiko upang hindi maimbak sa iilang tao lamang.

Nakuha ng DSWD-Zambales ang Outstanding Regional Partners for Currency Programs- Demonitization of New Design Series

Base naman kay Jasper P. Nicolas, maganda ang naging samahan ng DSWD-Zambales at BSP sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa pagpapawalang halaga ng mga salaping may lumang disenyo at iba pang adbokasiya ng BSP sa mga benepisyaryo ng 4 P’s.

Ang nasabing parangal para sa mga stakeholders ngayong taon ay ang ika-12 beses nang isinasagawa ng BSP sa rehiyon.

Bawat pinarangalan ay nakatanggap ng isang tropeo na Dynamic Balance, Philippine Eagle na ginawa ng multi-awarded sculptor na si Mr. Ferdinand Cacnio.- Ulat ni Shane Tolentino