Kandidato at kandidata ng Nueva Ecija’s Star Model Search 2017 at Pamahalaang Panlalawigan sa mahigit kumulang limang daang mga bata sa Barangay Cojuangco Sta Rosa sa pamamagitan ng Feeding Program.
Maiinit na sopas at malamig na juice ang pinag salu-saluhan ng mga bata na hatid ng Kitchen on Whells ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ibat-ibang palaro, pasayaw at pagkanta ang ibinahagi ng mga Modelo ng Nueva Ecija na naglalayong makapagbigay ng ngiti at aliw sa mga bata.
Ayon kay Bryan Cristian De Castro, isa sa mga kandidato, ang feeding program na ito ay naglalayon na mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga kabataan.
Aniya, malaking parte ng Develoment ng kanyang Personality at Self Confidence ang ganitong uri ng patimpalak
Sa panayama kay Daril Anagao, Producer ng DCA Production, bahagi ng event activities ng patimpalak ang feeding program kung saan napili nila ang naturang barangay dahil malimit lamang itong mabisita.
Nagpapasalamat din siya sa Ina ng Lalawigan Governor Czarina Cherry Domingo Umali dahil sa pagsuporta sa kanilang Charity Activity.
Samantala, ang koronasyon ng Search for Nueva Ecija’s Star Model Search ay gaganapin sa november 04. 2017 sa Sm City Cabanatuan City ganap na ala una ng hapon. -Ulat ni Phia Sagat