Dikit ang naging laban sa pagitan ng CIC Kings at GJC Generals noong October 12 araw ng Huwebes sa Fatima Gymnasium.
Sa 1st quarter, matinding depensa ang ipinamalas ng mga manlalaro ng dalawang koponan hanggang sa nagtapos sa score na 17-19, pabor para GJC Generals.
Pagtuntong ng 2nd quarter, naungusan ng 6 na puntos ng Generals ang Kings sa score na 39-33.
Pagpasok ng 3rd quarter, lumobo pa sa 12 puntos ang lamang ng Generals, 69-57.
Sa 4th quarter, mas pinagtibay ng Kings ang kanilang depensa kaya napababa ang lamang sa score na 83-86 sa natitirang 45.35 seconds.
Ngunit bigo ang mga ito na maungusan ang Generals hanggang matapos ang laban sa score na 85-87.

3rd quarter ng laban sa pagitan ng GJC Generals at CIC Kings
Nanguna sa team Generals sina Nagayo, Franco at Gonzales ng GJC Generals upang matalo ang nangunguna ngayong serye ng NECSL.
Sa ngayon ay may 6 na panalo at 1 talo ang CIC Kings habang may 3 panalo at 3 talo ang GJC Generals.
Samantala naswertihan ng ABE Wolves ang pagkapanalo sa ACLC Titans Gapan.
Sa pamamagitan ni Esguerra, nagawa pang makapuntos sa huling segundo at nagtapos sa score na 107-105.
Samantala, inungusan naman ng 8 puntos ng MVGFC Ambassadors ang WUP Riders sa score na 100-92.
Ito na ang ika-limang panalo ng Ambassadors sa paliga at may 2 talo na nakamit sa CRT Blue Fox at CIC Kings habang may 4 na panalo at 2 talo ang WUP Riders.
Abangan bukas, October 18, ala-una ng hapon ang paghaharap ng CRT Blue Fox vs ELJMC Black Ravens susundan ng GJC Generals vs ACLC Titans Gapan at sa ganap na alas 4:30 ng hapon ang sagupaan sa pagitan ng Lafortuna Spartans at CIC Kings na gaganapin CIC Gym.- Ulat ni Shane Tolentino