Iba’t ibang mga produktong gawang Novo Ecijano ang itinampok sa proudly Cabanatuan Bazaar na ginanap sa Walter mart Cabanatuan City. Nag bukas ang 11 small, micro enterprises na may iba’t ibang produkto na gawa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija

DTI, malaki ang naitulong sa mga SMME’s
Ayon kay ate Shiela Melissa Mañego ng SoaPure na nagaalok ng mga produktong chemical free, paraben free at Nature friendly ay malaki ang naitulong ng DTI sa pagpapakilala ng kanilang produkto.
Bukod sa tulong ng DTI ay libre rin ang pagbabahagi ng Waltermart ng kanilang espasyo upang makatulong sa mga SME na nag latag ng kanilang produkto.

Iba’t-ibang produktong gawang Nueva Ecija, tampok sa Bazaar
May mga damit na hindi lamang mura sa presyong 800 piso ang iyong makikit akundi mayroon ding Vase, Bags at Tissue Box gawang Peñaranda.

Mga herbal tea katulad ng turmeric , cleansing tea at Ginger tea.

Mayroon ding malibug wine o wine na gawa sa Mangga, Lipote at Bugnay na sumisukat hindi lamang sa loob ng lalawigan kundi sa buong bansa na rin .

Malunggay and mushroom noodles, Buro Dairy products, herbal shampoo at organic products
Tumagal sa 3 araw ang Bazaar at layunin ng DTI ay mas mapalawig pa para mas maraming maliliit na negosyante ang matulungang umunlad ang buhay.- Ulat ni Amber Salazar