Inilahad sa isinagawang Multi-sectoral Forum ng Social Security System para sa mga manggagawa sa Central Luzon ang benepisyo at iba’t ibang programa para sa mga Informal sector na myembro ng SSS.
Ang mga nabibilang sa informal sectors ay ang mga, Manggagawa na walang employer, May sariling negosyo, Self employed, Tricycle and Pedicab Drivers, Jeepney Drivers, Fishfolks, Market Vendors at marami pang iba.
Ipinaliwanag ng SSS na ang benepisyo na nakukuha ng mga nasa informal groups ay pareho sa mga benepisyong nakukuha ng mga nasa formal sectors o empleyado.
Mayroon silang benepisyo para sa , Sickness, Maternity, Disability, Retirement, Death at Funeral, Salary loan, Business loan.
Bukod pa dito ani ni Senior Vice President Josie G. Magana ng Luzon Operations Group magtatatag rin sila ng kooperatiba para sa mga walang permanenteng trabaho.
Mayroon ding ilulunsad na AlkanSSSya Program para sa mga tricycle drivers at mga kung saan nila ihuhulog ang kanilang kotribusyon na buwanang kokolektahin.
Una itong tinawag na TrikanSSSya na nagsimula pa noong 2011
Ang AlkanSSSya program ay para sa mga self employed members na kumikita ng hindi bababa sa isang libo isang buwan at may edad na hindi bababa sa animnapong taong gulang.
Malaki anila ang maitutulong ng pag iipon ng nasa 10-12 pesos per day na aabot sa mahigit tatlong libo sa isang buwan.
Magkakaroon din umano ng dagdag kontribusyon para sa mga miyembro kapag napirmahan ng pangulo ng ahensya ang bagong SSS Law.