Sa pagsapit ng alas-sais ng gabi sinisimulan ng pailawan ang mga makikinang na christmas lights at makukulay na parol na nakasabit sa buong paligid ng old capitol building.
Maging ang mga maliliit na puno ay napapalamutian rin ng mga mumunting ilaw.
Tampok ang higanteng christmas tree na binubuo ng iba’t ibang kulay ng mga parol.
Dala ang kanilang mga cellphone, kanya kanyang pose para makapag selfie at groufie ang magkakapamilya at magkakaibigan na dumayo pa mula sa ibat- ibang bayan ng lalawigan.
Para sa magkaibigang princess at riz na galing pa sa bayan ng rizal, ang tunay na kahulugan ng pasko ay ang pagsilang ng ating panginoong hesus kristo na ating taga-pagligtas.
First time daw ni princess na mapunta sa old capitol at naappreciate aniya nila ang ginawang pagpapaganda ng pamahaalaang panlalawigan sa kapitolyo dahil mas naramdaman nila ang diwa ng kapaskuhan.
Sentro rin ng atraksyon ang belen na napapaligiran ng mga kumukutitap na ilaw.
Ayon sa mag-asawang aiza at obet dela cruz na taga cabanatuan, naengganyo silang pumunta dahil sa mga makikinang na christmas lights at higanteng christmas tree na gustung-gustong puntahan ng kanilang mga anak.
November 16 hanggang 17, 2018 nang isagawa ang soft opening ng first rolling concert bus sa old capitol, cabanatuan city.
Matanda o kabataan man ay pawang napapaindak sa mga masasayang tugtugin ng banda.
Tuwang tuwa naman ang mga bata sa panunuod at umawit rin ng isang awiting pamasko.
Ang concert bus ay lilibot sa mga bayan at lungsod ng lalawigan upang maghatid ng kasiyahan sa mamamayan. –Ulat ni Danira Gabriel