Naging tampok sa kauna-unahang Central Luzon Expo ang ipinagmamalaking tourist destinations at mga produkto ng pitong probinsya na dinaluhan ng mga representante ng Department of Tourism, Department of Trade and Industry at mga punong lalawigan na ginanap sa Pampanga.
Layon ng dalawang araw na programa na ito na mapalaganap ang turismo at mapapasok ang mga investors sa bawat lalawigan sa pamamagitan ng pagpapakita ng produkto at pasilidad sa mga potential investors.

Nagkaroon ng mga booth ang bawat probinsya na nagpapakita ng iba’t ibang konsepto at ipinagmamalaking produkto at pagkain ng bawat lalawigan at 63 small medium enterprises mula sa Central Luzon.

leche flan sa Day 1 ng Expo.
Bilang Rice Granary of the Philippines naghain ang Vicenticos na representante ng Nueva Ecija ng Longganisa fried rice na highlight ang longganisa ng Cabanatuan at gatas ng kalabaw lecheflan.
Sa presentasyon ni Provincial Tourism Officer Atty. Jose San Pedro ipinagmalaki nito ang Pantabangan Dam hindi lang bilang isa sa pinaka malaking Dam sa Asya kundi isa sa kilalang tourist destination sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ipinakita rin ni Atty. San Pedro ang iba pang mga pasilidad at produkto ng lalawigan katulad ng calamansi, repolyo, karne ng kambing, sibuyas at ang Malasakit Rice ng provincial government mula sa ani ng mga magsasakang Novo Ecijano upang mahikayat ang mga investors na mamuhunan sa Nueva Ecija.
Bukod pa dito ay nagkaroon rin ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan: Jobs and Business Opportunities na pinamahalaan ng Department of Labor and Employment Region 3 na nilahukan ng 50 kumpanya at 12 ahensya upang mabigyan ng trabaho ang mga job seekers na mula sa Central Luzon.
Sa talumpati ni Tarlac Governor Susan Yap inihayag nito na dalawang taong binuo ang konsepto ng Central Luzon Expo upang makatulong sa bawat lalawigang mahanap ang mga investor na naaayon sa kanilang mga produkto at pasilidad. – Ulat ni Amber Salazar