• Nueva Ecija News
  • National News
  • Other News
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Entertainment
    • Fashion
    • Health
    • Lifestyle
    • Technology & Science
  • Photos
  • Videos
  • About

Pag-iibigan na ipinalangin sa Panginoon, tampok na istorya sa Count your Blessings

Posted by philpiccio | Jul 22, 2022 | Nueva Ecija News | 0 |

Pag-iibigan na ipinalangin sa Panginoon, tampok na istorya sa Count your Blessings

Masayang ibinahagi nina Pastor Bernard at Elena Solangon ang kanilang love story sa programa nina Former Congresswoman Chery Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman na Count Your Blessings noong Sabado, July 16.

Kasama ni Dra. Kit ang guest co-host na si Sarah Faith dela Peña ay kanilang kinapanayam ang mag-asawa upang maibahagi ang kanilang makulay na kwentong pag-ibig.

Kwento ni Pastor Bernard, ipinagdasal niya sa Panginoon ang pagkakaroon ng makakatuwang sa buhay, isang dalangin na dininig ng Panginoon pagkatapos ng 1 taon.

Bagaman hindi aniya tanggap ng itinuturing na ikalawang pamilya ni Pastora Elena ang kanilang pagmamahalan ay dahil sa kanilang magkaibang tradisyon sa simbahan ay hindi naman ito naging hadlang upang mauwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan.

Sa loob ng 15 taon bilang mag-asawa na binayayaan ng isang supling ay nakaranas ng iba’t ibang pagsubok sa buhay ang kanilang pamilya, ayon kina Pastor Bernard at Pastora Elena, naging kanilang sandigan ang Panginoon.

Lalo na ng makaranas ng anxiety attack si Pastora Elena at naoperahan naman dahil sa appendicitis ang kanilang anak

Sa ngayon ayon sa mag-asawa ay masayang naglilingkod ang kanilang pamilya sa kanilang church.

Bago matapos ang programa ay nag iwan ng sweet na mensahe ang mag-asawa sa isa’t isa.

Share:

Rate:

PreviousPaggawa ng Biochar, iprinesenta sa Sangguniang Panlalawigan
NextHealthy Mushroom Burger

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

MAG-LIVE IN PARTNER NA CRISTINA SERGIO AT JULIUS LACANILAO, IGINIIT NA HINDI SILA MASAMANG TAO

MAG-LIVE IN PARTNER NA CRISTINA SERGIO AT JULIUS LACANILAO, IGINIIT NA HINDI SILA MASAMANG TAO

May 29, 2015

PHP 3K AYUDA, IPINAGKALOOB SA MAHIGIT 600 CABANATUEÑO

PHP 3K AYUDA, IPINAGKALOOB SA MAHIGIT 600 CABANATUEÑO

May 13, 2023

DepEd-NE, nakasungkit ng 4 gold medals sa CLARAA 2017

DepEd-NE, nakasungkit ng 4 gold medals sa CLARAA 2017

February 10, 2017

Gamutang Bayan sa Gabaldon, isinagawa ng ABI, Advocates for Health Inc., UPLPP

Gamutang Bayan sa Gabaldon, isinagawa ng ABI, Advocates for Health Inc., UPLPP

November 29, 2016

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *