unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health

Voters’ registration, posibleng ma extend

Posted by philpiccio | Jul 22, 2022 | 0

Voters’ registration, posibleng ma extend

Posible umanong ma-extend ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa darating na October 3 hanggang 31, 2022 kung sakaling maipagpapaliban ang halalan sa December 5 ayon sa COMELEC o Commission on Elections.

Ito ay matapos imungkahi ng ilang mga senador at mambabatas na i-postponed muna ang BSKE 2022 election sa taong 2024.

Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na hinihintay ng senado ang unang SONA o State of the Nation Address ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bago magpasya kung magpapasa ng panukalang batas na magpapaliban sa 2022 Barangay at SK polls o hindi.

Nakatakda namang magtapos ang voter’s registration bukas, July 23, 2022 na sinimulan noong July 4.

Sa Cabanatuan City, inilipat ng Comelec sa SM ang pagpaparehistro na nagsimula noong July 9, 2022.

Noong July 20, tila nag-camping ang mga kabataan na magdamag na nasa parking area ng SM para makakuha ng stub sa pagpaparehistro na inabot hanggang kinabukasan July 21 maging kagabi ay ganito pa rin ang naging eksena sa naturang mall.

Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay Election Officer IV ng COMELEC Cabanatuan, mas convenient pa raw ang naging pagpaparehistro ng mga mamamayan sa SM City kumpara sa kanilang opisina sa Kapitan Pepe na sinimulan nila noong July 9, 2022.

Mas tumaas pa aniya ang bilang ng mga nagpaparehistro nitong mga nakaraang araw kung saan umabot sa 900 ang mga nagdagdag na mga bagong botante.

Hinikayat naman ni Atty. Manuel ang publiko partikular ang mga hindi pa rehistrado na samantalahin ang pagkakataon kung sakaling magkakaroon ng extension sa voters registration.

Share:

PreviousHealthy Mushroom Burger
NextHalos P500,000 na tindang cp, gadgets, appliances sa Jaen, itinakbo ng kawatan

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

NECSL Season 5 Game Schedule September 6-8, 2016

NECSL Season 5 Game Schedule September 6-8, 2016

September 7, 2016

PALARONG KAPITOLYO 2023 NG NUEVA ECIJA, MULING BINUKSAN MATAPOS ANG PANDEMYA

PALARONG KAPITOLYO 2023 NG NUEVA ECIJA, MULING BINUKSAN MATAPOS ANG PANDEMYA

December 31, 2023

Ella Joy Avellanoza, itinanghal na BB. Talavera 2015

Ella Joy Avellanoza, itinanghal na BB. Talavera 2015

May 15, 2015

Bentahan ng manok sa Public Market ng Cabanatuan City, matumal

Bentahan ng manok sa Public Market ng Cabanatuan City, matumal

August 30, 2017

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .