unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Kalabaw ng isang magsasaka sa bayan ng Rizal, ninakaw

Posted by philpiccio | Jul 23, 2022 | 0

Kalabaw ng isang magsasaka sa bayan ng Rizal, ninakaw

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa PD 533 (Anti-Cattle Rustling) and RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek na nagnakaw ng kalabaw ng isang magsasaka sa barangay Maligaya, bayan ng Rizal, Nueva Ecija.

Kinilala ang suspek na JOSHUA JACINTO y Valdez, 24 years old, may asawa, residente ng Brgy Villarica, Pantabangan, at kasalukuyang naninirahan sa Purok 4 ng barangay kung saan nangyari ang krimen.

Habang ang may-ari ng kalabaw ROMEO GALANG, singkwentay singko anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Maligaya.

Base sa report ng Rizal police, alas singko ng madaling araw nang mapansin niyang nawawala ang kanyang kalabaw kaya kaagad siyang dumulog sa barangay hall kung saan nakita sa CCTV footage ang suspek.

Kaagad namang nag-imbestiga ang kapulisan at napag-alaman mula sa isang saksi na ibinenta ni Jacinto ang ninakaw na kalabaw kay JASON MANGAONG ng Brgy. San Fernando, Laur.

Dahil dito ay nagsagawa ng joint operation ang Rizal and Laur Municipal Police Stations, 2nd and 1st PMFC and RMFB 3 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Share:

PreviousMami, wala nang itlog dahil sa taas ng presyo
NextPayag ka ba na makulong na ang mga magulang na hindi nagsusustento sa kanilang anak?

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

ABANDONADONG TRUCK SA CUYAPO, KARGADO NG ILLEGAL NA KAHOY

ABANDONADONG TRUCK SA CUYAPO, KARGADO NG ILLEGAL NA KAHOY

March 16, 2023

MAS MAAYOS NA KLASE, HATID NG BAGONG 2-STOREY BUILDING SA SAPANG BUHO ES

MAS MAAYOS NA KLASE, HATID NG BAGONG 2-STOREY BUILDING SA SAPANG BUHO ES

March 27, 2026

PAGKUHA NG LICENSE PLATES, AABOT PA HANGGANG HULYO

PAGKUHA NG LICENSE PLATES, AABOT PA HANGGANG HULYO

May 26, 2015

PUV Modernization, tinututulan ng ilang mga jeepney drivers sa Nueva Ecija

PUV Modernization, tinututulan ng ilang mga jeepney drivers sa Nueva Ecija

October 20, 2017

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .