• Nueva Ecija News
  • National News
  • Other News
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Entertainment
    • Fashion
    • Health
    • Lifestyle
    • Technology & Science
  • Photos
  • Videos
  • About

Libreng dormitoryo, allowance handog ng PGNE para sa mga estudyante

Posted by philpiccio | Jul 27, 2022 | Nueva Ecija News | 0 |

Libreng dormitoryo, allowance handog ng PGNE para sa mga estudyante

Sa pagbubukas ng face to face classes ngayong sa darating na buwan ng Agosto ay magpapatuloy ang paglalaan ng libreng dormitoryo at allowance ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa mga estudyante na mga nag-aaral sa iba’t ibang unibersidad sa lalawigan.

Bagaman nagkaroon ng pandemya kaya naging online class ang pag-aaral ay hindi naputol ang pagbibigay ng allowance ng kapitolyo na natatanggap ng mga mag aaral.

Kaya noong nakaraang linggo ay namahagi na muli ng stipends sa mga scholars sa Cabanatuan City na inabot ng tatlong araw.

Malaking tulong ito para sa kanilang load na ginagamit sa online class at iba pang mga pangangailangan sa kanilang pag aaral.

Ayon kay Engineer Florencio “Bot” Valino, hepe ng Provincial General Services Office, layunin ng programang ito ni Governor Aurelio Umali na matulungan ang mga magulang at estudyante.
Dahil bilang magulang at dati ring estudyante ay naranasan niya rin ang mga pangangailangan ng mga ito.

Sa kagaya ni aling Imelda na nakikitanim o barok sa bukid at porsiyentuhan lamang ang kita sa palay ng pamilya, nais nilang maigapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak para makapagtapos sa koliheyo dahil edukasyon lang ang kanilang maipapamana na magiging susi sa kanilang tagumpay sa buhay.

Kaya laking pasalamat nila sa tulong na allowance at libreng dormitory ng kapitolyo para maitaguyod ang pag-aaral ng kaniyang anak.

Para naman kay Evangeline Demalanta, pinaghihirapan nila ang edukasyon ng kanilang anak na papasok bilang 1st year sa kursong Bachelor of Science in Criminology dahil ito ang kanilang inaasahang makakatulong sa kanila kapag naka-graduate na.

Malaking tulong din para sa mga magulang ni Lovely May Elchico na 3rd year student ng Bachelor in Science in Accounting Information System na scholar siya sa Eduardo l. Joson Memorial College kung saan libre ang kanyang tuition fee, at domitoryo, may dagdag allowance pa.

Dati rati sa ilalim ng scholarship program ng pamahalaang panlalawigan ay direktang binabayaran ang tuition ng bawat estudyante, subalit kahit libre na ang tuition

ngayon sa mga state university ay minabuti pa rin ni Gov. Oyie na maipagpatuloy ang ganitong programa para makatulong sa mga magulang.

Kaya ibinibigay na ng cash sa mga estudyante o sa mismong mga magulang ang halagang P2,500.00 cash para makatulong sa pag-aaral ng halos anim na libong estudyanteng nakakatanggap ng stipends kada taon.

Share:

Rate:

PreviousMga programa para sa PWDs, tampok sa pagdiriwang ng 44th NDPR Week sa Nueva Ecija | TV48 Station
NextAbra, epicenter ng magnitude 7 na lindol kaninang umaga

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Pampering day, handog para sa mga kawani ng kapitolyo sa selebrasyon ng Civil Servant’s Day

Pampering day, handog para sa mga kawani ng kapitolyo sa selebrasyon ng Civil Servant’s Day

October 26, 2017

INSENTIBO NG MGA HEALTH CARE WORKERS SA NUEVA ECIJA NA TUMUGON SA COVID, MATATANGGAP NA

INSENTIBO NG MGA HEALTH CARE WORKERS SA NUEVA ECIJA NA TUMUGON SA COVID, MATATANGGAP NA

April 11, 2023

CRT BLUE FOX, KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAONG MAGING KAMPEON SA NECSL WOMEN’S VOLLEYBALL

CRT BLUE FOX, KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAONG MAGING KAMPEON SA NECSL WOMEN’S VOLLEYBALL

November 10, 2015

Nueva Ecija Press Club Inc., naglunsad ng media forum para sa midterm elections 2019

Nueva Ecija Press Club Inc., naglunsad ng media forum para sa midterm elections 2019

February 14, 2019

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *