unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health

Mga magbababoy na naapektuhan ng ASF, nagkaroon ng seminar upang makabangon na muli

Posted by philpiccio | Jul 28, 2022 | 0

Mga magbababoy na naapektuhan ng ASF, nagkaroon ng seminar upang makabangon na muli

Nagkaroon ng seminar para sa mga swine raiser sa lalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office.

Ayon kay Doktora Jennilyn M. Averilla ng PVO, sa inisyatiba ng ina ng lalawigan Cherry Domingo-Umali at sa suporta ng kabiyak nitong si Governor Aurelio Umali ay nag-imbita sila ng mga samahan ng mga magbababoy sa Nueva Ecija particular na ang mga tinamaan ng African swine flu noong mga nakaraang mga taon na halos tumigil na sa pa- aalaga dahil sa malaking lugi nang magkakasakit at mamatay ang kanilang mga alaga.at upang maibalik ang sigla ng pagbababoy sa lalawigan

Mahalaga umano ang programang ito upang muling maibangon ang pagbababuyan sa lalawigan at mapalago ang industriyang ito,at maaaring magkaroon na rin ng slaughter house na pinapangarap.

Sa pamamagitan ng CPF o Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation at loan sa Development Bank of the Philippines ay matutulungan ang mga Novo Ecijanong swine raiser na makautang ng puhunan para sa mas maayos na facilities at lugar para sa pag-aalaga ng baboy.

Paliwanag ni Darwin Lictaua, General Manager for business expansion ng CPF, ang kompanya ay mas kilala sa tawag na modern pig farm na kanilang ipinagmamalaki na nagpi-prevent ng pagkakasakit ng ASF ng baboy.

Katunayan aniya sa loob ng tatlong taon ay hindi sila nagkaroon ng African swine fever sa kanilang mga alagang baboy.

Dagdag pa ni Lictaua sa pamamagitan ng Department of Agriculture ay ang CPF ang magiging partner at provider ng investment loan ng raiser na regulated ng DBP.

Kaya malaking pasasalamat ng mga magbababoy sa Bongabon, isa na rito si Ret. Col. Valentino Agustin na interesadong magkaroon ng modern pig farm para makatulong sa komunidad para mapaunlad ang kanilang pag-aalaga ng mga baboy at matugunan ang pangangailangan sa karneng baboy sa kanilang bayan

Share:

PreviousMahigit 409,000 na National ID, nai deliver na ng PSA Nueva Ecija
NextKakaibang love story ni Sister Rose, tampok na istorya sa Count Your Blessings

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Tatay ng OFW na natulungan ng Malasakit Help Desk, pagkakalooban ng pangkabuhayan ni Gov. Umali

Tatay ng OFW na natulungan ng Malasakit Help Desk, pagkakalooban ng pangkabuhayan ni Gov. Umali

October 30, 2019

2019 Annual Budget ng mga bayan at lungsod, inadapt na ng mga komite ng Sangguniang Panlalawigan

2019 Annual Budget ng mga bayan at lungsod, inadapt na ng mga komite ng Sangguniang Panlalawigan

July 10, 2019

NE-TV48 News Update 03/15/2017

NE-TV48 News Update 03/15/2017

March 15, 2017

CLSU-MAESTRO SINGERS, HUMAKOT NG 6 NA PARANGAL SA 5TH TOKYO INTERNATIONAL CHOIR COMPETITION

CLSU-MAESTRO SINGERS, HUMAKOT NG 6 NA PARANGAL SA 5TH TOKYO INTERNATIONAL CHOIR COMPETITION

August 16, 2023

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .