• Nueva Ecija News
  • National News
  • Other News
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Entertainment
    • Fashion
    • Health
    • Lifestyle
    • Technology & Science
  • Photos
  • Videos
  • About

Dagdag benepisyo sa mga guro, pinag-aaralan ng DepEd

Posted by philpiccio | Jul 29, 2022 | National News | 0 |

Dagdag benepisyo sa mga guro, pinag-aaralan ng DepEd

Pinag-aaralan na ng DepEd o Department of Education ang pagbibigay ng non basic wage benefits sa mga guro kaysa tumutok sa salary hike.

Ang nasabing plano ay iprinisinta na nila kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at agad namang inatasan ng pangulo ang ahensiya na pag-aralan pa itong mabuti.

Ipinaliwanag ni DepEd Spokesperson Michael Poa na mas pinili nila ang mas maraming benepisyo sa halip na umento sa sahod dahil maraming factors ang kailangan pang ayusin para maisakatuparan ang matagal na inaasam-asam ng mga guro.

Dagdag pa ni Poa, taun-taong tumataas ang sweldo ng mga guro simula noong 2019 sa ilalim ng Salary Standardization Act at ang final tranche nito ay ipatutupad ngayong taon.

Sa kasalukuyan ay naghahanap ng ibang paraan ang DepEd upang magbigay ng allowance sa mga guro bilang pandagdag sa kanilang mga pangangailangan.

Share:

Rate:

PreviousMga bagong pasilidad sa Clark Freeport Zone, nilibot ni BCDA Chair Lorenzana
NextOral Health: Oramismo – Teaser

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, NORTH DIVISION CHAMPION

NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, NORTH DIVISION CHAMPION

November 30, 2022

BARANGAY GINEBRA, SAN MIGUEL BEERMEN, PASOK NA SA SEMIS NG GOVERNOR’S CUP

BARANGAY GINEBRA, SAN MIGUEL BEERMEN, PASOK NA SA SEMIS NG GOVERNOR’S CUP

March 22, 2023

DTI-Palawan, nagbabala sa overpricing sa negosyo

DTI-Palawan, nagbabala sa overpricing sa negosyo

February 19, 2018

SALIMBAYANG INIT AT LAMIG, MARARANASAN SA SILANGANG BAHAGI NG NORTHERN LUZON

SALIMBAYANG INIT AT LAMIG, MARARANASAN SA SILANGANG BAHAGI NG NORTHERN LUZON

November 9, 2022

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *