unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health

7th Infantry Kaugnay Division, nagdiwang ng 34th Founding Anniversary

Posted by philpiccio | Aug 3, 2022 | 0

7th Infantry Kaugnay Division, nagdiwang ng 34th Founding Anniversary

Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Fort Magsaysay Military Reservation sa loob ng isang buwan bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang 34th Founding Anniversary na may temang ‘Advocating the Kaugnay Spirit’.

Noong August 1, 2022 ang mismong araw ng kanilang anibersaryo kung saan nagkaroon ng programa na ginanap sa Kaugnay Multi-purpose Hall na dinaluhan ni Lieutenant General Romeo Brawner Jr., ang 65th Commanding General, PA na nagsilbing guest of honor and speaker.

Tampok sa programa ang inagurasyon ng bagong admin building, paggawad ng pagkilala sa mga sundalo at mga sibilyan dahil sa kanilang naging kontribusyon sa serbisyo publiko.

Ayon kay Lt. Gen. Brawner na dating naglingkod bilang Commander ng 6th Special Forces Company, at 2nd Special Forces Battalion, inaasahang sa pagtatapos ng taong ito ay magwawakas na rin ang insurgency sa Northern Luzon sanhi ng matagumpay na pagpapatupad ng NTF-ELCAC o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ilan naman sa mga mahahalagang accomplishments ng 7ID simula January 2021 hanggang sa kasalukuyan resulta ng labindalawang naitalang armadong pakikibaka sa guerilla fronts ang pag-neutralize sa sampong barangay communists, pag-surrender ng 116 regular communists and terrorists, pagsuko ng 44 Sangay ng Partido sa Lokalidad, 132 New People’s Army sa barrio at 1,538 Underground Mass Organization members, at recovery ng may total na 205 firearms.

Sa mensahe ni Major General Andrew Costelo, Commander ng 7th Kaugnay ID, pinasalamatan nito ang mga kaibigan at kasamahan na palaging nakaagapay at nakasuporta sa kanyang panunungkulan.

Share:

PreviousMolecular Laboratory sa San Jose City, inaasahang matatapos sa buwan ng Setyembre
NextNahuling holdaper ng P8-M halaga ng cash, alahas sa Cabanatuan City, kinasuhan na

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Serbisyong Pangkalusugan ng Malasakit Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan, may pinakamahabang pila

Serbisyong Pangkalusugan ng Malasakit Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan, may pinakamahabang pila

September 8, 2017

NE-TV48 Christmas ID 2017 | Malasakit ngayong Pasko

NE-TV48 Christmas ID 2017 | Malasakit ngayong Pasko

December 6, 2017

SALAMAT, NUEVA ECIJA! Dobolp.com is now 100,000++ readership stronger

SALAMAT, NUEVA ECIJA! Dobolp.com is now 100,000++ readership stronger

November 12, 2014

NE-TV48 News Update 02/06/2017

NE-TV48 News Update 02/06/2017

February 6, 2017

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .