unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health

SAJELCO, nakikiusap sa mga nagngingitngit na mga konsumedores

Posted by philpiccio | Aug 4, 2022 | 0

SAJELCO, nakikiusap sa mga nagngingitngit na mga konsumedores

Nakikiusap ang SAJELCO o San Jose City Electric Cooperative sa mga konsumedores na unawaing tumaas ang generation charge dahil wala silang kontrol sa pandaigdigang krisis sa presyo ng coal at ang kanilang kontrata ay sa isang coal fire power plant.

Ayon kay SAJELCO General Manager Cesar Ubungin, 3rd quarter ng taong 2021 nang magsimulang tumaas ang presyo ng taripa sa kuryente bunsod ng pagtaas sa presyo ng coal sa world market at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar dahil sa alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa buwan ng Hulyo, pumapatak na sa P16.97 per kilowatt hour ang rate sa kuryente sa residential habang P15.99 per kilowatt hour sa commercial at P14.37 sa industrial.

Ipinaliwanag ni Engr. Ubungin na sa unang dalawang taon na nakakontrata ang SAJELCO sa Masinloc Coal Power Plant na pagmamay- ari ng San Miguel Corporation ay naging maganda ang rate nito.

Subalit ngayon ay lumabas na mas mataas ang kanilang singil kumpara sa mga katabing electric cooperative.

Ngunit simula nang tumaas ang taripa ay gumawa na rin ng hakbang ang SAJELCO para mapababa ang kuryente kung saan kumausap na sila ng isang renewable energy developer upang masimulan ang proseso ng pagpapatayo ng 10 megawatt power plant na hindi pa nakakontrata sa Masinloc Coal Power Plant. Ang nasabing solusyon ay aabutin ng mahigit isang taon.

Hindi rin aniya posible na bumaba sa mga susunod na buwan ang singil sa kuryente dahil nakadepende ito sa presyo ng coal sa world market.

Share:

PreviousBinatang mas piniling maging magsasaka kesa engineer, matagumpay na ngayon
NextFull interview with SAJELCO tungkol sa solusyon sa pagbaba ng singil sa kuryente

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

VALERIANO’S CATERING NA NAGHAHAIN NG MGA PAGKAING KASINGLASA NG MAMAHALING RESTAURANT

VALERIANO’S CATERING NA NAGHAHAIN NG MGA PAGKAING KASINGLASA NG MAMAHALING RESTAURANT

March 24, 2023

Mahigit 200 drug personalities na sumuko sa Santa Rosa, Nueva Ecija, dumalo sa Mass Oath taking

Mahigit 200 drug personalities na sumuko sa Santa Rosa, Nueva Ecija, dumalo sa Mass Oath taking

August 12, 2016

Sta Rosa Fun Run, pinangunahan ni Fr. Beltran

Sta Rosa Fun Run, pinangunahan ni Fr. Beltran

June 28, 2014

PDRRMC at E. De Luna Construction, magkatuwang sa pagbabantay at  rehabilitasyon sa  mga flood prone areas sa Nueva Ecija

PDRRMC at E. De Luna Construction, magkatuwang sa pagbabantay at rehabilitasyon sa mga flood prone areas sa Nueva Ecija

September 21, 2017

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .