Vice Governor Anthony Matias Umali, pinangunahan ang motourista V2 Nueva Ecija Eco-Tourism Run

Sa pagdiriwang ng ika-126 taong anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, pinangunahan ni Vice Governor Doc Anthony Matias Umali ang Motourista V2 Eco-Tourism Run.

Ayon sa Bise Gobernador ang naturang pagtakbo sa motourista ay pagpapakita ng ating kalayaan na tinatamasa ngayon, kung paano tayo ipinaglaban ang ng ating mga bayani para sa ating kalayaan, kaya nagpapasalamat ito na nakasama siya sa Eco-Tourism Run, para ipakita ang ganda ng Nueva Ecija at maging responsible riders na iikutin ang tourismo at ganda ng Nueva Ecija na may kalayaan.

Kasama ni Vice Governor ang kanyang grupong broombroom riders na sina dating Board Member Macoy Matias, GP Partylist Jonjon Padiernos, Cris Santiago, Adrian Salazar at kasama rin si dating Board Member Omeng Padilla at ang pinakabatang riders na si Lance Christopher Santiago na isang certified ironman finisher, at marami pang iba.

Kasama rin ang grupo ni Boss Aljen Alberto ng Aljen Ridersworld, halos nasa 50 big bikes ang participants ang mga nakilahok at ang mga small bikes na umabot sa halos 280 participants.

Ang Motourista V2 Eco-Tourism Run 500km for 15 hrs, ang ibig sabihin ay motor, turista at artista, in cooperation with Provincial Tourism Office, ni Atty. Joma San Pedro, para libutin ang ibat ibang turismo ng bawat bayan na kanilang ipinagmamalaki.

Ayon kay Alain Ray Makasiar, kaya siya sumali sa ganitong Eco-Tourism Run ng Motourista V2, dahil 20 years na siya sa Nueva Ecija hindi pa niya napupuntahan ang magagandang lugar na maipagmamalaki niya lalo na sa kanyang magiging bisita kapag pumunta ng Nueva Ecija.

Gayundin ang mag asawang Marvin at Benice na 1st time sumali sa endurance ito na ang pagkakataon nilang makita at mapuntahan ang ipinagmamalaking ganda ng ng Nueva Ecija.

Lubos ang kasiyahan ng bawat participats na naikot nila ang ipinagmamalaking turismo ng Nueva Ecija.

Hindi nila naramdaman ang pagod, ang init at ulan sa 500 kilometrong kanilang nilakbay na Eco-Tourism Run dahil sa bawat bayan na kanilang daratnan ay may ibat ibang nakahandang pagkain na libre nilang kainin at mga souvenir na ibinibigay ng tourismo ng bawat bayan kaya eka nga mas nahirapan sila sa kanilang paglalakbay dahil sa busog at daming naiuwing give aways sa mga participants