SENSITIBONG BALITA
Gasolinahan sa Talavera, hinoldap ng cashier
Arestado ang isang cashier matapos nitong holdapin ang kapwa kahera sa pinagtatrabahuhang Clean Tech Gas Station sa Barangay La Torre, Talavera, Nueva Ecija noong 4:00 ng madaling araw ng September 11, 2022.
Kinilala ang biktimang si EMYLINNE DELA CRUZ y Ignacio, 25 years old, female, single, cashier, residente ng Barangay Dolores, Sto. Domingo, Nueva Ecija, habang ang suspek ay LORITO CARAUI y Salazar, 20 years old, binata, cashier, naninirahan sa Barangay Sta. Rita, Sto. Domingo, Nueva Ecija.
Base sa imbestigasyon ng Talavera Police Station, pumasok sa loob ng cashier’s booth ang suspek at tinutukan ng kutsilyo ang biktima sabay deklara ng hold up at kinuha ang pinagbentahan ng gasolinahan na nagkakahalaga ng Php50,000.00.
Ngunit mabilis na nakaramdam at rumesponde ang gwardiya na si Alvin Quezon kaya nagawa nitong dakpin ang suspek na kaagad na itinurn-over sa mga pulis.