World Bank, PGNE, DA, magkatuwang para sa Php200-M Onion Cold Storage sa Science City of Muñoz
Binigyang kapangyarihan ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang 34th Regular Session si Governor Aurelio Umali na lumagda bilang kinatawan ng Provincial Government sa Implementation Management Agreement sa pagitan ng Project Support Office (PSO) at Regional Program Coordinating Office 3 (RPCO3) ng Department of Agriculture kaugnay ng pagpapatupad ng Philippine Rural Development Project (PRDP) subproject na may pamagat na “Establishment of Onion Cold Storage Facility” sa Science City of Munoz.
Ayon kay Doc. Joebeat Agliam, ang proyekto ay nagkakahalaga ng Php209, 960, 000 kung saan 80% nito ay magmumula sa World Bank, 10% ay mula sa Department of Agriculture at 10% ay sa Provincial Government ng Nueva Ecija.
Makikinabang sa itatayong onion cold storage na may kapasidad na aabot sa 120, 000 bags na may 27 kilos ng sibuyas, ang mga maliliit na magsisibuyas partikular na sa District 1 at District 2 na walang kakayanang makapag-advance payment sa mga pribadong cold storage.
Sinabi ni Doc. Joebeat na kalimitan sa mga magsisibuyas na walang kakayanang makapagbayad ng storage fee ay nalulugi dahil sa pagbaba ng kalidad ng kanilang mga ani kapag hindi nailagak sa cold storage dahil highly perishable o madaling mabulok ang mga sibuyas o di kaya naman ay ibinebenta na lamang sa murang halaga kasya mabulok.
Sa pamamagitan ng pasilidad na ito ay mabibigyan din aniya ng pagkakataon ang mga magsasaka na umaaray na sa sobrang baba ng Farm Gate Price na makasabay sa pagtaas ng presyo ng sibuyas at tsaka na magbabayad ng storage fee kapag naibenta na ang kanilang mga ani.
Bagaman marami pa aniyang pagdadaanan ang proyekto bago masimulan ang konstruksyon ng pasilidad ay nagpahatid ito ng lubos na pasasalamat kay Gov. Oyie dahil sa suporta nito sa kanilang mga programa para sa kapakinabangan ng mga magsasakang Novo Ecijano.
Sa panayam naman kay Vice Governor Anthony Umali ay sinabi nitong matagal nang pangarap ni Governor Aurelio Umali hindi lamang ang pagkakaroon ng karagdagang onion cold storage pero maging ang pagkakaroon ng onion research na naglalayong mas matulungang maiangat ang pamumuhay ng mga magsisibuyas dahil 60% ng onion produce sa bansa ay nagmula sa Nueva Ecija.
Mensahe ni Vice Governor Umali, patuloy ang kanilang pagbibigay ng suporta hindi lamang sa mga magsasaka ng palay kundi maging sa mga magsisibuyas din dahil sila ang pangunahing nagbibigay ng pagkain ng bansa.World Bank, PGNE, DA, magkatuwang para sa Php200-M Onion Cold Storage sa Science City of Munoz
Binigyang kapangyarihan ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang 34th Regular Session si Governor Aurelio Umali na lumagda bilang kinatawan ng Provincial Government sa Implementation Management Agreement sa pagitan ng Project Support Office (PSO) at Regional Program Coordinating Office 3 (RPCO3) ng Department of Agriculture kaugnay ng pagpapatupad ng Philippine Rural Development Project (PRDP) subproject na may pamagat na “Establishment of Onion Cold Storage Facility” sa Science City of Munoz.
Ayon kay Doc. Joebeat Agliam, ang proyekto ay nagkakahalaga ng Php209, 960, 000 kung saan 80% nito ay magmumula sa World Bank, 10% ay mula sa Department of Agriculture at 10% ay sa Provincial Government ng Nueva Ecija.
Makikinabang sa itatayong onion cold storage na may kapasidad na aabot sa 120, 000 bags na may 27 kilos ng sibuyas, ang mga maliliit na magsisibuyas partikular na sa District 1 at District 2 na walang kakayanang makapag-advance payment sa mga pribadong cold storage.
Sinabi ni Doc. Joebeat na kalimitan sa mga magsisibuyas na walang kakayanang makapagbayad ng storage fee ay nalulugi dahil sa pagbaba ng kalidad ng kanilang mga ani kapag hindi nailagak sa cold storage dahil highly perishable o madaling mabulok ang mga sibuyas o di kaya naman ay ibinebenta na lamang sa murang halaga kasya mabulok.
Sa pamamagitan ng pasilidad na ito ay mabibigyan din aniya ng pagkakataon ang mga magsasaka na umaaray na sa sobrang baba ng Farm Gate Price na makasabay sa pagtaas ng presyo ng sibuyas at tsaka na magbabayad ng storage fee kapag naibenta na ang kanilang mga ani.
Bagaman marami pa aniyang pagdadaanan ang proyekto bago masimulan ang konstruksyon ng pasilidad ay nagpahatid ito ng lubos na pasasalamat kay Gov. Oyie dahil sa suporta nito sa kanilang mga programa para sa kapakinabangan ng mga magsasakang Novo Ecijano.
Sa panayam naman kay Vice Governor Anthony Umali ay sinabi nitong matagal nang pangarap ni Governor Aurelio Umali hindi lamang ang pagkakaroon ng karagdagang onion cold storage pero maging ang pagkakaroon ng onion research na naglalayong mas matulungang maiangat ang pamumuhay ng mga magsisibuyas dahil 60% ng onion produce sa bansa ay nagmula sa Nueva Ecija.
Mensahe ni Vice Governor Umali, patuloy ang kanilang pagbibigay ng suporta hindi lamang sa mga magsasaka ng palay kundi maging sa mga magsisibuyas din dahil sila ang pangunahing nagbibigay ng pagkain ng bansa