FREEDOM PARK, PANGUNAHING PASYALAN SA CABANATUAN CITY

Nagsisilbing isa sa mga landmarks ng lalawigan ng Nueva Ecija ang Freedom Park sa Cabanatuan City dahil sa makasaysayang istorya nito.

Ang pangalang ibinigay sa parke ay bilang pagkilala sa maluwalhating nakaraan ng Nueva Ecija at ang kontribusyon nito sa paghahanap ng kalayaan at demokrasya ng bansa noong huling digmaang pandaigdig.

Dinisenyo ito ng kilalang Amerikanong arkitekto na si William Parsons na nagdisenyo din ng mga gusali ng pamahalaan gaya ng Old Capitol noong panahon ng kolonyalismo ng Amerika.

Matatagpuan rin sa Freedom Park ang tatlong monumento ng itinuturing na mga bayani, sina Gat Dr.Jose Rizal,Manuel L. Quezon ,Gat,Francisco Baltazar at Heneral Antonio Luna.

Kaya inayos ito at pinaganda ng Provincial Government para mapanatili ang historical sites upang maayos na makakapamasyal ang mga mamamayan.

Minabuti ni Governor Aurelio Umali ang rehabilitasyon nito para rin ma-preserba ang mga malalaking puno ng acacia na halos mahigit sa sentenaryo na ang tanda na nagsisilbing lilim at pahingahan ng mga namamasyal at gustong magpahinga.

Madaling araw palang ay gising na gising na ang nasabing parke, kung saan maririnig ang lakas na tugtugin sa ibat ibang bahagi nito.

Merong sa gitna ng Glorietta, sa harap ng stage at sa kabilang gilid para sa mga nagi-aerobics,

May mga nagja jogging, at walking, pati na rin ang kanilang mga alagang aso ay kasama sa kanilang ehersisyo.

May mga naglalaro ng badminton, may bikers na galling pa sa ibat ibang bayan. Kasama rin ang mga mahilig sa Xtreme sports gaya ng mga skateboarder at BMX riders sa nag eensayo dito.

Paboritong tambayan din ito ng mga estudyante. May mga nagkukuwentuhan, nagkakainan, at nag eensayo ng sayaw para sa kanilang activities sa school dahil ito ang pinaka maaluwang na place para sa kanila lalo na kapag araw ng sabado at linggo.

Maging ang mga mag jowa o mag-asawa ay nagde-date rin dito dahil romantic place ito para sa kanila.

Para sa estudyanteng si Katherine Falco napakahalaga ng mga puno para sa kanilang mga kabataan kaya masaya siyang pinangalagaan ito ni Gov. Oyie.

Sari-sari rin ang mabibili rito tulad ng mga laruan para sa mga bata. Kapag gusto mo ay food trip maraming mapagpipilian dito dahil marami ang mga nagtitinda ng ibat ibang makakain at inumin.

Pagsapit ng gabi ay buhay na buhay naman ang liwanag ng magagandang ilaw ng Christmas lights sa harap ng Old Capitol.

Pakisupap lamang ng pamunuan ng Freedom Park na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa paligid nito.