TULAY, MAG-UUGNAY SA PEÑARANDA-CABIAO BYPASS ROAD; MAGPAPABILIS NG TRANSPORTASYON

Malaking tulong sa mga motorista ang Cababao Bridge na ipinapagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali sa Brgy. Tabon, San Isidro na siyang mag-uugnay sa apat na bayan at lungsod sa ika-apat na distrito ng Nueva Ecija.

Ayon kay Engr. Marlon Hernandez, hepe ng Provincial Engineering Office, ang nasabing tulay ay bahagi ng Peñaranda, Gapan City, San Isidro at Cabiao Bypass Road na ang layunin ay mas mapabilis ang transportasyon sa mga nasabing lugar at nang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Jose Abad Santos Avenue.

As of November 7, 2022, nasa 80 percent na ang nagagawa sa tulay at inaasahang matatapos ngayong buwan ng Enero.

Ang Cababao Bridge ay may habang 30.8 meters, lapad na 16.86 meters at may load capacity ng hindi lalagpas sa 33 tons o nasa kulang 30,000 kg para sa 16 wheeler truck at 20 tons o 20,000 kg sa mga maliliit na truck.

Hinihiling ni Hernandez ang koordinasyon ng bawat ahesiya ng gobyerno upang mapangalagaan ang mga ipinapagawang alernatibong ruta at mapigilan ang mga overloading na mga sasakyan upang maiwasan ang mabilis na pagkasira ng kalsada at matagal na mapakinabangan ng publiko.