NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, 2 BESES INULAM ANG SARDINAS NG ZAMBOANGA

Ginawang ulam sa kanin ng Rice Vanguards ang sardinas ng Zamboanga matapos na dalawang beses na talunin at makuha ang game 1&2 sa kanilang Mpbl 2022 Best of 5 National Finals na ginanap sa punong puno na Nueva Ecija Coliseum sa Lungsod Ng Palayan

Sa game 1 ay pinangunahan ni Hesed Gabo ang opensa ng Vanguards matapos na pumukol ng 22 pts 6 reb 6 asts 9/10 fts

Para makuha ang game 1 sa score na 81-75 sa kanilang Okbet-Mpbl (Maharlika Pilipinas Basketball League) 4th season noong nakaraang biyernes ng gabi sa hindi mahulugang karayom na Nueva Ecija Coliseum.

Dahil sa libo-libong mga Novo Ecijano na nais manood ng live na hindi nakapasok sa coliseum ay minabuti ng Local Government ng Palayan sa pangunguna ni Mayor Vianne Cuvas na maglagay ng dambuhalang screen sa Palayan City Park na nagdiriwang ng kanilang 57th Founding Anniversary para makapanood ang fans ng Vanguards.

Pinarangalan naman si Michael Mabulac sa kalagitnaan ng laro matapos na maitala ang 13th player ng MPBL na nakalikom ng 1,000 points.

At sa game 2 noong lunes ay muling pinadapa ng Nueva Ecija ang Zamboanga Family Sardines sa score na 75-74 na pinangunahan naman ni Michael Juico na hinirang bilang best player of the game na mayroong 12 pts at 9 reb.

Samantala bago simulan ang game 2 ng best of 5 MPBL National Finals ng Nueva Ecija Rice Vanguards at Zamboanga Family Sardines sa Nueva Ecija Coliseum.

Pinangalanan ang Mythical Team na sina Jaycee Marcelino ng Zamboanga City, Hesed Gabo at Will McAloney ng Nueva Ecija, Judel Fuentes ng San Juan City, at Cedric Ablaza ng Batangas City.

Ang magiging Mpbl 4th Season MVP na mula sa mythical team ay malalaman sa game 3 ng MPBL 2022 National Finals sa Dec.9 na gaganapin sa homecourt ng Zamboanga sa Mayor Vitaliano Aga Coliseum.

Kabilang din sa nabigyan ng award sina Kyt Jimenez ng Sarangani bilang Rookie of the Year, Mark Yee ng Bacolod bilang defensive player of the year, Archie Concepcion ng Pampanga Giants Lantern bilang Homegrown Player of the Year at ang Crowd Favorite ng MPBL Jay -R Shaq Taganas ng Nueva Ecija Rice Vanguards bilang pinakamabait na player o Sportsmanship Player of the Year Award

Tinanghal naman na Lucio Tan Jr MPBL Executive ang team owner ng Rice Vanguards na si Bong Cuevas kasama ang kanyang may bahay na si dating Mayor Rianne Cuevas.

Ang game 3 at game 4 ng MPBL National Finals ay lilipad sa Zamboanga City sa Dec.9 at Dec 12,at Dec.16 balik ng Nueva Ecija kung aabot pa ng game 5.