HIGIT 400 MGA BAGONG SUNDALO, NANUMPA SA TUNGKULIN SA 7ID PA
Matapos ang isinagawang Closing Ceremony para sa Candidate Soldier Course ay nanumpa na sa tungkulin ang 410 bagong mga sundalo sa 7th Infantry (KAUGNAY) Division na ginanap sa Kaugnay Grandstand, Fort Ramon Magsaysay, Palayan City Division noong December 19,2022.
Ang CSC 733 ay may 134 regular enlisted personnel. Habang nasa 136 naman ang kabuuan ng mga sumabak sa training para sa CSC 734.
Pinaghalong 14 special enlisted personnel at 126 regular enlisted naman ang bumubuo sa CSC 735.
Sa mensahe ni Kaugnay Commander MGEN ANDREW D COSTELO PA na binasa ni COL EMILIO R PAJARILLO JR, Chief, Governance and Strategy Management Office, binigyang diin nito ang selflessness, perseverance, professionalism, dedication, loyalty, patience at commitment bilang mga gabay sa pagtupad ng tungkulin sa kanilang hanay.
Inaasahan umano nito na ang mga naging karanasan ng mga bagong sundalo mula sa kanilang naging pagsasanay ay maging inspirasyon nila sa paggampan ng kanilang tungkulin.