BALIK BARIL PROGRAM NG NUEVA ECIJA POLICE, PATULOY; 2 LOOSE FIREARMS, ISINUKO
Sanhi ng patuloy na pagpapatupad ng Balik-Baril program ng Nueva Ecija Provincial Police ay dalawang illegal firearms ang isinuko noong January 8, 2023.
Ayon kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Acting Provincial Police Director walang lisensya at walang serial numbers ang dalawang homemade Caliber 38 revolvers na paltik.
Isinurender ng mga may-ari mula sa Brgy. Buliran, San Antonio at Brgy. Kaliwanagan, San Jose City sa mga police stations ng kanilang lugar ang kanilang mga illegal na baril.
Paliwanag ni PCOL CABALLERO, pangunahing layunin ng Balik Baril Program ay alisin ang mga loose firearms na siyang pangunahing dahilan ng karahasan sa mga komunidad alinsunod sa direktiba ni PBGEN CESAR R PASIWEN, Regional Director PRO3.